Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-parak Itinumba ng tandem

ITINUMBA ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin ng dalawang suspek na nakamotorsiklo sa Pasay City, nitong Sabado.

Maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Darwin Cruzin, 44, dating PNP member, ng Tramo, Barangay 64, Pasay City.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking suspek na magkaangkas sa scooter pero hindi napla­kahan.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong 3:45 pm sa A. Arnaiz Avenue malapit sa panulukan ng  Zamora Street, harapan ng Jollibee, Bgy. 60, Zone 7 sa lungsod.

Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Arnaiz Ave., nang sumul­pot sa kanyang likuran at paulanan ng bala ng motorcycle riding-in-tandem suspects na agad niyang ikinasawi.

Dali-daling tumakas ang mga suspek patungo sa Edison St., Makati City matapos ang pana­nak­sak.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang isang basyo ng hini­hinalang cal. 45 at isang pirasong slug.

Dinala ang labi ng biktima sa Veronica Funeral Homes para sa awtopsiya.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon at follow-up operation ang awtoridad sa nasa­bing kaso.  (J.GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …