NAGPAHAYAG nang pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagaganap na US-China trade war.
Sa intervention ni Pangulong Duterte sa ASEAN Plenary sa Bangkok, Thailand, sinabi niyang gumagawa ng uncertainty o duda ang nagpapatuloy na girian ng US at ng China sa usapin ng kalakalan.
Sinabi ni Duterte, posibleng magdulot ito ng pagbagal o makapigil sa Economic integration sa ASEAN Region.
Dapat aniya ay resolbahin ng US at ng China ang issue bago pa lumala at dapat din palakasin ng ASEAN Countries ang suporta sa rules-based at open na multilateral trading system.
Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na dapat ay tutulan ng ASEAN ang zero-sum approach sa international economic relations at suportahan ang ASEAN single window na mas matibay na hakbang para sa mas mabilis na cross-boarder trade. Paliwanag ng Pangulo, sa pagsulong ng paglago ng ekonomiya, dapat ay hindi competitors ang tingin ng bawat isa kundi kabahagi sa paglago.
(Rose NOVENARIO)