NAGPAABOT ng taos-pusong pakikiramay si senator-elect Bong Go sa lahat ng mga naulila at nakatrabaho ni Eddie Garcia na pumanaw kahapon.
“I join a grateful nation in mourning one of the great pillars of the Philippine entertainment industry. Eddie Garcia’s contributions to the world of art and showbusiness were unparalleled and his hard work, skill and professionalism are worthy of emulation,” ani Go sa isang kalatas.
Nagpasalamat si Go sa mabuting pakikipagkaibigan na naranasan niya kay Manoy Eddie pati na ang pagsuporta sa kanyang kandidatura noong nakalipas na halalan.
“Maraming salamat, Manoy Eddie, sa lahat ng sayang iyong hatid at samahang tunay na hindi namin makakalimutan. May our God Almighty grant you peace and eternal rest,” ani Go. (ROSE NOVENARIO)