Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamalakaya duda sa miting ni Piñol sa mga mangingisda

NANGANGAMOY mabahong isda, umano, ang sekretong miting ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga mangingisda na biktima ng ‘hit and run’ ng bangkang Tsino.

Ayon sa Pamalakaya, naga­nap ang miting sa harap ng mga pulis. “We demand an explanation and transparency from Piñol on what actually happened inside that house that led to the complete turnaround on the position of the boat captain on the incident that happened on the night of June 9,” ayon sa Pama­lakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas. Nagbago ang posisyon ng mga mangingisda pagkatapos ng miting kay Piñol.

Sa mga interbyu sa media sinabi ng boat captain ng  F/B Gem-Ver 1 na si Junel Insigne, at mga kasama niyang mangingis­da na binangga sila ng bangka ng China at iniwang palutang-lutang sa laot hangang sagipin ng mga Vietnamese sa Recto Bank. “Aside from performing its job as a henchman of the administration, Piñol is a one true master manipulator for ef­fectively neutralizing the vic­timized fishermen as well as for putting words into their mouths. He forced the fishermen to have a settlement in behalf of China by using intimidation, deception, and public-funded government assistance to pacify their anger,” ayon kay Fernando Hicap ng Pamalakaya.

Naunang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana binangga ng mangingisdang Tsino ang mga mangingisdang Pinoy at iniwan sila sa laot.

                (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …