“RECKLESS and premature” para igiit ang implementasyon ng Mutual Defense Treaty matapos ang insidente ng hit-and-run sa Recto Bank.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na hindi na dapat hintayin pa na may maganap na “armed aggression” sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea para ipatupad ang MDT ng Amerika at Filipinas.
“Gamitin daw natin ‘yung Mutual Defense pact. Mawalang galang na sa kaibigan kong si Ping [Lacson]. I think ‘yan ang tinatawag na reckless at premature,” ayon kay Panelo.
“E wala pa ngang act of aggression. Hindi pa natin alam kung ano bang nangyari roon, is it intentional? Assuming na intentional, ang tanong ay ‘yan ba sanctioned ng Chinese government? Hindi ka basta babanat,” giit niya.
Nauna rito, tinawag na “maritime incident” ang paglubog ng Philpine fishing boat matapos banggain ng Chine fishing vessel sa Recto Bank.
Inabandona ng Chinese fishing vessel ang lumubog na Philippine fishing boat.
Kahapon, dinala ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang ayuda ng gobyerno sa 22 mangingisdang Pinoy na nakaligtas sa lumubog na fishing boat. (ROSE NOVENARIO)