SA kulunghan bumagsak ang live-in partners nang makompiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust ope-ration sa Brgy. Mang-gahan, Pasig City, mada-ling araw kahapon.
Kinilala ni Quezon City Police District (QC-PD) Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr., ang mga naarestong suspek na sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala na Gang, at residente sa Brgy. Kaunlaran, Cubao, at Patricia Jane Dayta, 19, ng San Juan City.
Dakong 5:02 am nang maaresto ng puwersa ng QCPD Cubao Police Sta-tion (PS 7), Eastern Police District (EPD), at Philip-pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ka-ginhawahan St., kanto ng Kaagapay St., Karanga-lan Village, Brgy. Mang-gahan, Pasig City, ang mga suspek. Ang ope-rasyon ay bunga ng nau-nang buy bust na isinagawa ng QCPD dakong 11:00 pm kamakalawa sa Apart-ment Corridor, na mata-tagpuan sa 826 Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Cubao, na nagresulta sa pagkakadakip kina Joy Cabacungan, alyas Ma-dam, 37, ng Brgy. Kaun-laran, at Reynaldo Apos-tol, 33, ng Brgy. San Mar-tin De Porres, na nahu-lihan ng 15 pakete ng shabu at buy bust money. Sa intero-gasyon, itinuro ng mga suspek si Cudia na pinag-kukuhaan niya ng suplay ng ilegal na droga.
Agad nagsagawa ng panibagong buy bust ope-ration ang mga awtoridad at bumili ng P20,500 ha-laga ng shabu mula kay Cudia, na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya at sa kanyang kasabwat na si Dayta. Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 500 gms. shabu, na tinatayang may P3.4-M halaga, digital weighing scale, isang Suzuki Raider motor-cycle at buy bust money.
Sa imbestigasyon, si Cudia ay una nang na-aresto noong 2017 sa ile-gal na droga, pero napa-laya, sa plea bargaining noong Nobyembre 2018. Nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Re-public Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (A. DANGUILAN)