NASA mga kinatawan ng party-list ang pinakamayaman at pinakamahirap na kongresista sa Kamara.
Kung pera ang pag-uusapan sa Kamara, si 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang panalo.
Habang si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, ang may pinakamababang net worth.
Batay sa datos na ipinamahagi ng Kamara, ang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ni Romero ang nagsasabi na ang yaman niya ay aabot sa P7.858 bilyones.
Sapaw ni Romero ang 291 miyembro ng Kamara noong nakalipas na 17th Congress.
Sa loob nang nakaraang ilang taon, lomobo ang yaman ni Romero nang P567 milyones mula P7.291 bilyones noong Disyembre 2017 hangang umabot ng P7.858 bilyones noong Disyembre 2018.
Si Romero, ang presidente ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) na may 54 miyembro.
Si Romero ang may-ari ng F&S Holdings, Inc., na mayoryang stockholder ng Air Asia, Inc. (AAI).
Ang sumunod kay Romero ay si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na may P1.016 bilyones mula P1.005 bilyones noong 2017.
Ang pangatlo ay si Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos na may halagang P923.8 milyones na sinundan ni dating Speaker Rep. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., na may P864.75 milyones.
Ang pinakamahirap ay si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago na may P85,400 net worth.
ni Gerry Baldo