Thursday , December 26 2024
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Kabayan, aba’y mag-isip naman kayo nang maayos!

TILA hindi pinag-aralang mabuti nina Kabayan Partylist Representatives Ciriaco Calalang at Ron Salo ang panukalang dagdag pondo sa mga barangay dahil mistulang maluho ang dating at malamang na mabitin sa sandaling mag-umpisa nang harapin ng gobyerno ang pagbabayad sa mga inutang natin sa ibang bansa.

Isinabay pa man din sa mga proyektong build build build at healthcare program bukod sa dagdag suweldo ng mga pulis, sundalo at mga guro na ang pondo ay makakamit lamang sakaling maging matagumpay ang Comprehensive Tax Reform Program ng gobyerno na isinusulong ng Department of Finance at kaalinsabay nito ay TRAIN Law at Sin Taxes.

Nakatatanggap ang mga barangay ng 10% Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa Real Estate Taxes sa kanilang nasasakupan. Samakatuwid, ang mga barangay na nasa Class 1, 2, 3 ayon sa klasipikasyon nina  Calalang at Salo ay pinaninirahan ng karamihang may lupang titulado at mga bahay na naikuha ng building permits na nakapagbabayad ng taunang amilyar ay nakaprogramang bigyan ng tig-limang milyong dagdag IRA. Sobra naman kayo! Tatakbo ba kayong senador?

Karamihan nga ng mayayamang barangay ay ginagamit ang kanilang pondo sa excursions at pamamasyal sa iba’t ibang dako ng bansa tulad ng Boracay, Pagudpud, Palawan at ang iba ay sa abroad pa namamasyal na itinatago nila sa proyektong Lakbay Aral kuno na kung tutuusin ay pawang kapritso lamang at pagmamalabis sa pondo ng bayan na ang iba ay sponsor pa ni Mayor at Congressman. Wala namang ginawa kundi i-post sa facebook ang lakbay kapritso ng mga loko.

Mas makabubuti pang buhayin at pondohan nina Calalang at Salo ang dating National Cottage Industry Development Authority sa mga sinasabi ng dalawang nahihilong congressmen mula sa Class 4, 5 & 6  partikular sa rural areas na walang pinagkukuhaang malaking IRA kaysa naman ipagkatiwala ang pondo ng bayan sa mga bugok na opisyal ng barangay sa mga siyudad na ang iba ay may pinoproteksiyonang negosyo at nagpapayaman lang.

Dapat naisip din ng dalawa na pondohan na lamang ang  proyektong pagtatanim ng mabilis anihing mga gulay at magbuo ng Small Farmers Cooperative  and Marketing upang mangalaga sa pagbebenta ng mga inaani mula sa mga bukiring barangay kaysa naman mamigay ng 4Ps na nagbubunga ng katamaran at tinutligsa ng marami dahil sa dudang sinisindikato ng ilang bugok na opisyal ng barangay. Totoo naman kaya? Hindi lulusot kay Mayor Digong ‘yan.

Hintay lang nang konti mga ka-BAKAS.

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *