NAGPASYA ang grupo ng mga party-list na dalawang kandidato ang pagpipilian nila sa speakership.
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles ang pagpipilian na lamang ng Partylist bloc ay sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP Laban o si Leyte Rep. Martin Romualdez ng Lakas-CMD.
Ani Nograles, ang mga miyenbro ng party-list bloc ay nagdesisyon na limitahan na lamang ang pagpipilian nila sa dalawang kandidatong seryoso sa pagka-speaker.
Paliwanag ni Nograles, ang sentimiyento na umiiral sa grupo ng party-list ay si Velasco at Romualdez dahil malapit sila sa grupo.
“I observed that our party-list congressmen are one in the belief that under a Velasco or a Romualdez speakership, we will be treated fairly and the concerns of our constituents will be heard and respected. Some of the wannabes who have tried to reach out to us obviously have a different view about party-list groups. Parang mababa ang tingin sa amin,” ayon kay Nograles.
Tumangi si Nograles na sabihin kung sino ang ibang kandidato pero giit niya, ang Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) na pinamumunuan ni 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ay boboto sa isa lamang na kandidato.
“Our choice is down to two. Velasco or Romualdez. This will be a tough decision to make because both of them are close to our hearts but we will definitely choose the speaker who can treat us justly and fairly,” ani Nograles. Ngunit ang pahayag na ito ay pinasinungalingan ni Romero.
(GERRY BALDO)