Thursday , December 26 2024

Tarpaulin recycling project ipinamahala ni Villar sa kababaihan ng Cavite

HININGI ni reelected Senator Cynthia Villar ang tulong ng isang grupo ng mga kababaihan sa Dasmariñas, Cavite upang gumawa ng mga bag yari sa tarpaulin na ginamit sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksiyon.

Sinabi ni Villar, chair ng Committee on Environment and Natural Resources, mabibiyayaan ng recycling project  ang maliliit na tailoring business na magbibigay hanapbuhay sa mga kababaihan bilang mananahi.

“We are very glad that we have now a way for the proper disposal of these used tarpaulins. Through this initiative, we were not only able to recycle used tarpaulins into something useful, we were also able to help women earn additional income for their families,” ayon kay Villar.

Sinimulan ni Christine Joy Ferrer, 27, ang MXD Tailoring noong nakaraang dalawang buwan sa garahe ng kanyang nirerentahang apartment.

Sa loob ng limang taon, nagtrabaho siya sa tailoring shop ng kanyang kapatid hanggang ito’y magsara. Hiniram niya ang mga makina nito at nagsimula ng kanyang sariling negosyo.

“Tuwang tuwa po ako kasi nagsisimula pa lang ako tapos nagtiwala na po sa akin si Senator Villar na gumawa ng bags niya. Malaking tulong po ito sa akin at sa mga sewers ko,” ayon kay Ferrer.

Inihatid ng mga tauhan ni Villar ang nakolektang 2 x 3 feet tarpaulin sa Ferrer’s shop upang gawing mga bag sa halagang P16 kada piraso.

Sa unang linggo, nakagawa sila ng 550 bag.  Mas marami pa silang magagawang bag mula sa paparating na mga tarpaulin galing sa lalawigan.

Ayon kay Ferrer, ang kanyang apat na mananahi ay mga ina na malapit sa kanyang lugar.

Kailangan din bantayan ng isa niyang mananahi ang kanyang sanggol. Nangutang si Ferrer ng isang makina upang makapagtrabaho habang nasa bahay.

Sinabi ni Ferrer na labis niyang ikinatutuwa ang pagbibigay ni Villar ng mapagkukunan ng karagdagang kita sa mga inang katulad niya. Aniya, nababantayan din niya ang kanyang mga anak na may edad 10 at 7 habang pinatatakbo ang maliit na negosyo.

(NIÑO ACLAN)

 

 

About Niño Aclan

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *