Monday , December 23 2024

Gov’t officials pinagbawalang pumunta sa Canada

ANG pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na magpunta sa Canada ay bahagi ng patakaran ng administrasyong Duterte na dumistansiya sa Otta­wa dahil sa pagkaantala nang pagbabalik ng basu­ra ng Canada mula sa Filipinas, ayon sa Palasyo.

Kamakailan ay inutu­san ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagbibigay ng mga travel authority para sa official trips sa Canada.

Ang direktiba ay bilang pagpapakita na seryoso ang Filipinas sa hirit na kunin ng Canada ang mga basura nilang ilegal na ipinadala sa ating bansa, ani Executive Secretary Salvador Medial­dea sa inilabas na memorandum.

Inatasan din ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na bawasan ang opisyal na pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng Cana­dian government.

“We maintain that these directives are consistent with our stance on the diminished diplo­matic relations with Canada starting with the recall of our ambassador and consul-general in that country in light of Cana­da’s failure to retrieve its containers of garbage unlawfully shipped to the Philippines,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nauna rito’y pina­balik ng bansa ang ambas­sador at consul-general ng Filipinas sa Canada.

(R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *