Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alejano sa PMA Mabalasik Class: Huwag tularan upper classmen na naging corrupt

PINAALALAHANAN ni Magdalo Rep. Gary Ale­jano ang Mabalasik Class ng Philippine Military Academy na nagtapos ngayon na laging alala­hanin ang idealismo na natutuhan sa Academy.

“Laging isapuso ang pagmamahal sa bayan, at ang pagiging tapat sa tung­kulin sa lahat ng panahon. Kayo ay sun­dalo ng bayan at hindi ng iilan. Samot-sari ang tukso sa serbisyo kaya da­­pat maging matatag. Alalahaning marami na rin graduates ng PMA ang naging corrupt nang maging senior officer o nang nagsilbi sa gobyerno matapos magretiro kahit pa man sila ay puno ng idealismo noong sila ay nagsimula pa lamang sa serbisyo,” ani Alejano.

Nagpaalala rin si Alejano sa mga nagtapos na mamuhay lamang sa makakaya ng suweldo.

“Huwag tuluran ang mga nakikita tuwing alumni homecoming o bumibisita sa PMA na nagpaparada ng nagga­gandahang babae na ‘di naman nila asawa o nag­papakita ng rangya sa pamagitan ng mamaha­ling sasakyan, alahas, at naglalakihang bahay na mansiyon kahit alam mong ‘di naman kaya ng kanilang mga suweldo sa gobyerno. They should not be your role models. ‘Di dapat sila kaing­gitan,” ayon kay Alejano.

Aniya ang pagtata­pos sa PMA ay  hudyat sa bagong yugto ng buhay sa pagsisilbi sa bayan at mamamayan.

Ayon kay Alejano, nagtapos sa PMA Marilag Class noong 1995, ang PMA Honor Code nagsa­sabi na “ang isang kadete ay hindi magsisi­nunga­ling, mandaraya, o mag­na­nakaw o konsintihin ang mga gumagawa nito,” ay hindi lamang naa­angkop sa loob ng apat na kanto ng aka­demiya at ito ay dapat isapuso at isabuhay sa lahat ng panahon habang kayo ay nabubuhay.

  (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …