Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Kalokohan sa 4 P’s at PWD benefits dapat harapin din ni Greco Beljica

MATAGAL nang tinutuligsa ang walang habas na pamamahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at maging ang paggamit ng ID ng mga pekeng persons with disability (PWD) at senior citizens na umaabuso sa programa ng gobyerno.

Ang mga nasabing benepisyo ay naka­aalarma na dahil maaaring ginagawa na itong raket o political machineries ng mga buhong na local officials partikular ng mga barangay sa buong bansa.

Malaking kawalan sa gobyerno at negosyo ang ganitong modus o raket dahil bukod sa pamumudmod ng bilyones na salapi ng bayan sa paraaan ng 4Ps ay nawawalan naman ng 20% na tutubuin sa paninda ang mga negosyante at kalakip nito ang 12% na nawawalang koleksiyon sa value added taxes na dapat ay karagdagang pondo sa kaban ng bayan.

Ang mga ganitong tao ay maaaring ihanay na rin sa bilang ng economic saboteurs sa bansa na dapat managot dahil ito ay isang uri ng krimen.

Patuloy ang pagdami ng bilang ng disabled persons at 4ps beneficiaries na hindi naman nararapat bigyan. May beneficiaries na may ikinabubuhay naman talaga at karamihan sa kanila ay may bisyo pa. Kung paano at bakit nabibigyan ng ganitong benepisyo ang ganitong klase ng mamamayan ay maaari nating isisi sa baldado ding sistema ng politika sa bansa.

Isa ito sa dapat pagtuunan ng pansin ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Beljica kung totoong nagtatrabaho sila, sapagkat malaking anomalya rin ang nasa likod nito na maaaring pinaaandar ng mga  buhong na mga opisyal ng gobyerno. Gets mo ba Greco?

Mariin daw na pinagtutuunan ng pansin ni PACC Chairman Greco Beljica ang korupsiyon sa gobyerno, pero napapansin na rin ng mga usisero na mabagal yata ang usad nito. Silipin kaya ni Greco ang kutsabahan ng COA at ilang opisyal ng gobyerno, partikular ang mga halal ng bayan na namomorsiyento sa bawat proyekto at suppliers na nagdedeliber ng mga produkto na kompleto sa bilang pero puwedeng ibalik at kasunod ay suklian… posible ‘di po ba?

Sige na nga! Abatan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …