PABAGO-BAGO ang presyo ng produktong petrolyo.
Nagpatupad na naman ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 21 Mayo 2019.
Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petro Gazz ang pagtaas ng presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.80 kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene na epektibo ngayong 6:00 am.
Asahan na magsusunuran g magpatupad ng pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyohan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Huling nagpatupad ng taas presyo sa mga produktong petrolyo noong 29 Abril ng P0.75 kada litro sa gasolina, P0.80 kada litro sa diesel at P0.90 kada litro sa kerosene.
(JAJA GARCIA)