NAGBABALA si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga papasok na miyembro ng 18th Congress na magkaroon ng isang kandidato ang administrayon para speaker para maiwasan ang pagkakaroon ng “minority leader” na mayorya kagaya ng sa kasalukuyang Kongreso.
Ani Lagman, ‘yung mga nagbabalak na tumakbo bilang speaker, lahat ay kasapi sa supermajority ng administrasyong Duterte.
Ang karamihan sa kanila ay gusto pang magpabasbas sa Pangulo.
Ayon kay Lagman, dapat magkasundo ang mga tatakbong speaker na magkaroon na lamang ng isang kandidato.
Kung magkakaroon ng isang kandidato ang administrasyon, maiiwasang magkaroon ng minority leader na kasapi rin naman ng administrasyon.
Ani Lagman, ang Minority Leader ay dapat kinatawan ng tunay na oposisyon; may ibang pananaw; at magiging bantay ng karapatan ng mamamayan; at hindi tuta ng administrasyon.
“A genuine Minority leader can only be assured if he or she is neither a member or a partisan of the administration nor handpicked by the ruling majority,” ani Lagman.
(GERRY BALDO)