Monday , December 23 2024

Duterte wala sa ospital — Panelo

I DARE tell you guys to check all the rooms in cardinal.”

Ito ang text message ni Honeylet Avanceña, long time partner ni Pangu­long Rodrigo Duter­te, sa mga mama­mahayag kahapon bilang tugon sa ulat na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kamakalawa.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakau­sap niya ang Pangulo at hindi kinompirma o itinanggi na naospital siya.

“The President is in his residence at the Palace signing papers. I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” ani Panelo.

Nagpadala ng mga larawan kasama ang Pangulo sa Presidential residence sa Bahay Pa­nga­rap kahapon si dating Special Assistant to the President Bong Go.

Muling naungkat ang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo dahil anim na araw na siyang hindi nakikita ng publiko.

Huli siyang nakita, nang bumoto sa Davao City nitong Lunes, 13 Mayo 2019.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *