MASAYANG pinasalamatan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretaty Teodoro “Teddy” Locsin Jr., ang lahat ng mga tauhan ng mga Embahadang nakabase sa buong mundo partikular ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakibahagi sa midterm elections 2019.
Nagpugay ang Kalihim sa mga naging abala sa katatapos na Overseas Voting o pagboto ng mga Pinoy workers sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa opisyal, marapat kilalanin ang mga taong nasa likod ng pagsasagawa ng maayos na eleksiyon at nakaboto ang ating mga kababayang Filipino sa ibang bansa.
Dagdag niya, sa datos ng Comelec at DFA, umaabot sa 1,822,173 ang registered voters na naka-base sa iba’t ibang bansa.
Nagsimula ang Overseas Voting noong 13 Abril at natapos nitong 13 Mayo. (JAJA GARCIA)