Saturday , November 16 2024

Eleksiyon pumalya

FAILURE of election.

Ito ang sigaw ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), Philippine Computer Society Emeritus Toti Casiño dahil sa kaliwa’t kanang iniulat na kapalpakan ng ilang vote counting machines (VCMs) at paglabag sa proseso ng eleksiyon ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369.

Sa ginanap na media forum sa Manila Hotel, nagsama-sama sina Prof. Toti Casiño, Nelson Celis, Atty. Glenn Chong, Butch Valdes, Atty. Melchor Magdamo.

Ayon kay Celis, spokesperson ng Automated Election System Watch, mandato ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbibigay ng sertipikasyon ng Technical Evaluation Committee (TEXC), tatlong buwan bago ang araw ng halalan.

Aniya, ang sertipikasyon ng TEC ay nagsasaad na ang mga VCM na gagamitin ay gumagana nang maayos, ligtas at sigurado (VCM should be operating properly, securely, accurately) ayon sa Section 11 ng Republic Act 9369.

Ayon naman kay Atty. Magdamo, legal counsel ng Mata sa Balota, nagkaisa ang lahat na magsampa ng Freedom of Information Petition sa iba’t ibang korte sa Filipinas upang mabuksan ang VCMs at makita ang mga balota at resulta ng eleksiyon.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *