Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

SHE ni Vice Ganda, nauna pa sa LGBT

MAY nasagap kaming kuwento sa isang umpukan ng mga university professor, na kabilang doon ang isa sa kanilang mga estudyante.

Ka-batch noon ni Vice Ganda sa FEU (he was taking up AB Political Science) si Bryan a.k.a. Bianca, isang transgender.

Magkaklase sina Vice Ganda at Bianca (na BS Psychology naman ang kinukuhang kurso) sa subject na Social Psychology. Taong 1994-1997 noong naka-enrol ang gay TV host-comedian, only that he didn’t get to finish his course dahil nagtatrabaho na ito bilang stand-up comedian sa mga comedy bar.

Bago pala nakilalang LGBT ang komuninad ng mga beki, tomboy, transgender atpb. ay SHE ang tawag doon sa FEU, na si Vice Ganda ang president.

SHE stands for Sorority of Homosexual Encounters.

May ibang version din ang SHE ng  kanilang hazing o initiation rites.

Pagsusuotin daw ng palda ang mga vaklesh at rarampa sa buong university hitsurang mataas ang araw.

No wonder, suportado ni Vice Ganda ang layunin ng LGBT community which, for sure, ay natutuwa pa sa kanya having found a dyowa in Ion Perez.

Talbog (pahiram, kaibigang Roldan Castro)!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …