Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-VP Jojo Binay nairita sa nagka-aberyang VCM

NAIRITA si dating Vice President Jejomar Binay kaugnay sa naranasan dahil nagkaaberya ang Vote Counting Machine (VCM) dahil ni-reject ang kanyang balota.

Bandang 7:30 am, bomoto ang matandang Binay  sa Cluster 162, San Antonio High School, Bgy. San Antonio Village, ngunit pagdating sa kanya ay dalawang beses  nagkaaberya ang VCM  dahil ini-reject ang kan­yang balota.

Nagpasyang magre­klamo sa Commission on Elections (Comelec) si Binay dahil magiging sayang aniya ang kan­yang boto.

Dakong 10:00 am, pinayagang muling bomo­to ang matandang Binay ng Comelec at binigyan ng panibagong balota.

Para sa matandang Binay, ito aniya ang pina­ka­mahirap na halalang naranasan niya dahil nag-aaway ang kanyang dala­wang anak sina Abby at Jun Jun, na parehong kandidato sa pagka-al­kal­de sa lungsod ng Maka­ti.

No comment ang matanda sa isyu ng vote buying matapos maares­to ng operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pamumuno ng director na si P/MGen. Guillermo Eleazar, ang 70 sup­porters umano ni Abby kabilang ang tatlong barangay officials nitong Sabado ng gabi sa San Isidro Barangay Hall.

Hihintayin na lamang umano ang resulta  ng imbestigasyon ng puli­sya.

Dakong 11:30 am, bomoto si Abby sa precinct 0926A sa San Jose Elementary School sa Brgy. Guadalupe Viejo, kasama ang mister na si Makati City 2nd District congressman Luis Campos.

Ani Abby, hinggil sa isyu ng vote buying, hindi aniya siya matitinag sa mga nangyayari, dahil alam naman niyang paka­na ito ng kanyang mga kalaban na hindi niya tinukoy kung sino.

Sa isyu ng reconcilia­tion nila ni Jun Jun, dapat aniyang sa loob ng pamil­ya ito pag-usapan at hindi dapat sinasabi sa publiko.

Naniniwala naman si Senadora Nancy Binay, na magkakaroon ng reconciliation sa pagitan ng kanyang mga kapatid matapos ang halalan.

Pagkatapos ng pa­nang­halian ay parehong bomoto sina Nancy at Jun Jun sa San Antonio High School.

Sa Parañaque  City, eksaktong 12:00 pm kahapon bomoto si Senadora Leila De Lima sa Precinct 064AA Saint Rita College, Saint Rita Village, Parañaque City.

Halos nasa 100 police personnel ang escort ng senadora na nakasakay sa PNP Coaster at dalawa pang sasakyan, na nasa 10 minuto ang pagboto at pagkatapos ay kaagad na umalis.

Hindi nagpaunlak ng interview si De Lima dahil hindi ito pinayagan ng Korte. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …