Tuesday , December 24 2024

Kandidatong vice mayor ng Guiguinto, Bulacan, sabit sa kasong child abuse

NAKATAKDANG kasuhan ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang kumakan­didatong bise alkalde ng Guiguinto, Bulacan dahil sa pag-abuso sa mga bata nang magpalabas ng kalaswaan sa plaza ng nasabing bayan noong nakaaang 17 Abril.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, kakasuhan nila ng child abuse sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang kumankandidatong vice mayor ng Guiguinto, Bulacan na si si Eliseo “JJ” Santos sanhi ng malaswang pagtitipon sa kampanya nito na nasaksihan maging ng mga bata.

Bukod kay Santos, irereklamo rin ng 4K ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na pumayag magsayaw nang halos hubo’t hubad ang grupong Feisty Girls sa harap ng publiko, partikular ang mga bata.

“Malinaw na may kasong child abuse dito si Santos lalo’t kasabwat ang secretary o alter ego niyang si Rhod Jhon Palileo “Chang” Del Rosario, SK chairman ng Barangay Cut Cut at SK Federation secretary, ang kanyang pamangkin na SK Chairman ng Barangay Tabang at SK Federation Vice President na si Mara Alyanna Villafuerte Dela Cruz,” ani Pineda. “Sabit din sina Landrei Joseph ‘Onyok’ Santos Cerdon, SK Chairman ng Brgy. Tiaong at si Dela Cruz, na SK Chairman ng Brgy. Pritil dahil pumayag sila na magpalabas ng kalaswaan sa plaza ng Guiguinto.

Irereklamo rin sa Commission on Elections (Comelec) ng 4K si Santos dahil nagyabang na gumastos ng P1.5 milyon sa pagtitipong binansagang  ”JJ Cup” gayong kung tutuusin ang puwedeng gas­tusin ng isang lokal na kandi­dato ay P3 lamang kada botante at ang bayan ng Gui­guinto ay may 65,000 voters lang kaya ang dapat gastusin ay P195,000 lang.

Nabatid na noong naka­raang 17 Abril, nagsagawa ng pagtitipon si  Santos sa mismong Political Athletic and  Botanical Center o OVAL ng Munisipyo ng Guiguinto, Bulacan,  isang pampublikong lugar  na lahat ay puwedeng pumunta kahit ang mga bata.

Noong una, pinangalanang JJS CUP o paliga ni Santos sa mga kabataan.

Para maitago ang ginastos na lalagpas sa itinakda ng Comelec, pinalitan ang pangalan ng paliga sa SK CUP o Sangguniang Kabataan CUP pero walang kinalaman ang SK sa paliga na ipinagmalaking ginastusan ng P1.5 milyon.

Naunang nagsampa ng kaso ang nakarehistro rin sa Securities and Exchange Commission (SEC) na Bigaa Writers and Artist Society (Bigwas) sa Department of Interior and Local Government at Commissions and Elections.

“Sa pagtitipon na ito napakaraming kabataan na audience at mga paslit. Nag-perform ang Feisty Girls, isang grupo ng kababaihan na ang labas pang-adult, sumayaw nang naka-panty at bra lang… malaswang sayaw… kumuha ng batang lalaki sa audience at idinikdik ang kaselanan at puwet nila sa mukha ng nakuhang bata sa audience,” ayon sa pahayag ng Bigwas.

“Kumuha rin ng lalaki sa audience at nilagyan ng bola sa ibabaw ang ari at sabay nilundagan ang baloon na nakalagay sa ari ng lalaki gamit ang kaselanan at puwet ng babaeng nagpe-perform  at lahat ito ay nakikita ng mga bata na nag-fiesta sa panonood na sumisira  sa kaisipan hindi lang sa mga kabataan kundi lalo sa mga paslit.”

“Kaya mag­sasampa kami ng kaso sa DILG dahil hindi kami papayag na maulit ito sa Bula­can na lala­wi­gan ng mga dakila at bayani,” dagdag ng Bigwas na nag­­pakita rin ng mga retrato at video tape ng pagti­tipon.

“Hindi kami mananahimik lamang sa kabas­tusan ni JJ Santos, lalo sa aming mga kaba­taan.”

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *