BINATIKOS ni Deputy Speaker at Sulo Rep. Munir Arbizon ang Korte Suprema sa tagal ng paglabas ng resoluyson patungkol sa isyu ng malalayong voting centers sa Sulo.
Ayon kay Arbison, malapit na ang eleksiyon pero wala pang resolusyon ang Korte Suprema partikular na sa barangay ng Capual na may 3,000 rehistradong botante na bibiyahe nang ilang kilometro patungo sa daungan para makaboto.
Ayon kay Arbizon, sa Maimbong, 70 porsiyento ng mga botante ay naka-assign sa iisang voting center na kontrolado ng dating gobernador na si Sakur Tan.
Kamukha rin umano nito ang kaso sa mga barangay ng Lugus, Pata, Panamao at Kalinggalan Caluang, ani Arbizon.
Paliwanag ni Arbison, inayos na sana ng Comelec ang problema pero hinarang ni Tan sa pamamagitan ng petisyon sa Korte Suprema na isinumite ng kanyang abogadong si Sixto Brillantes, dating Chairman ng Comelec.
Ayon kay Arbizon, ang cluster sa mga presinto sa Sulo ay ginawa noong panahon ni Brillantes sa Comelec.
Ani Arbison, ang kasalukuyang Comelec ay dapat hayaang mag-ayos kung saan ilalagay ang mga presinto.
ni Gerry Baldo