Saturday , November 16 2024

Kamara nagluksa kay Nogi

NAGPAHAYAG ng pag­kalungkot ang mga miyem­bro ng Kamara kahapon sa pagkamatay ni dating House Speaker Prospero “Nogi” Nograles.

Ayon sa dating presi­dente at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, isang karangalan para sa kanya ang pagsilbi ni Nograles bilang speaker noong siya ay presidente pa.

”It was my honor that he was Speaker of the House of Representatives from 2008 to 2010 during my Presidency. I recall how much he was loved, not only by his fellow congress­men but, just as impor­tant, by the staff of the House whose welfare he cared so much about. We will miss him,” ayon kay Arroyo.

Ang labi ng dating speaker ay nasa Chapel 1 ng Heritage Park sa Taguig.

Naalaala ni Arroyo na si Nograles ay nakatulong sa kanya noong siya ay pangalawang kalihim ng Department of Trade and Industry.

“He was very helpful to me when it was my task as Undersecretary of Trade and Industry to navigate our department’s relations with Congress,” ani Arroyo.

“We mourn the pas­sing of former Speaker Prospero “Boy” Nograles and offer our deepest condolences to his loved ones and con­stituents. A bar topnotcher, he served for a long time in Congress,” dagdag ni Arroyo.

Magkakaroon ng requiem mass at necrolo­gical services para kay Nograles dakong 9:00 am sa Martes sa Kamara bago siya dalhin sa Davao sa hapon.

Naging speaker si  Nograles noong 5 Pebrero 2008 sa 14th Congress.

Kinatawan siya ng primero distrito ng Davao sa ika- limang termino. Naging majority leader rin siya noong 13th Congress.

Naulila ni Nogi ang kan­yang asawang si Rhodo­ra Bendigo Nograles at mga anak na sina Dr. Kristine Elizabeth Nograles-Hugo, Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, PBA Party-list Rep. Jericho Jonas Nogra­les, at si Margarita Ignacia Nograles na kapa­pasa pa lamang sa bar.

Sa pahayag ni Karlo Nograles nandoon silang lahat sa pagpanaw ng kanila ama.

”We kindly request prayers for the eternal repose of his soul, and extend our gratitude to all those who were a part of my Papa Boy Nogie’s meaningful life and journey,” ani Karlo.

Ayon kay Philippine Constitution Association (Philconsa) at Lakas-Christian Muslim Demo­crats (CMD) President Martin Romualdez at  Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez si Nograles ay isa sa mga respetadong lider ng kongreso.

“Speaker Nogie’s dedi­cated public service and brilliant leadership are beyond question,” ani Romualdez, na naging kasa­ma ni Nogi sa 14th Congress.

Ang mga reporter sa Kamara ay nagpahayag rin ng pagkalungkot sa pagpa­naw ni Nogi.

“Magaling siyang maki­sama, madaling kuhanan ng reaction. Siya mismo ang sasagot sa mga tanong sa pamamagitan ng text o tawag,” ayon sa reporter na ito. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *