Saturday , November 16 2024

DFA nagtaas ng alerto sa Libya

ITINAAS man ang Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Libya, hindi pa rin umuuwi ang ibang Pinoy workers dahl sa kanilang delay na suwel­do kaya ayaw pa nilang umuwi sa Filipi­nas kahit tumintindi ang kagulu­han sa nabanggit na bansa.

“Nagsusuweldo sila (OFWs) pero dahil may restrictions sa remit­tances hindi nila naipa­padala iyong kanilang mga pera. Marami-rami ang nagsasabing gusto nilang umuwi pero uuwi lang sila ‘pag nabayaran na sila.” pahayag ni Philippine Ambassador Elmer Cato.

Ayon sa Ambassador, sa kabila ng lumalalang kaguluhan sa Libya, nasa 40 Pinoy lamang ang nag-avail ng government’s repatriation program.

“Nakaka-frustrate din because despite our efforts to convince them na kailangan umuwi dahil napo-project nating lalala iyong sitwasyon, hindi naman natin mapilit at ini-explain nila kung bakit. Iyong mga pamil­ya nila diyan ang main reason,” ani Cato.

Sa report, nasa 345 ka­tao ang nasawi at nasa 1,652 ang sugatan sa tumitinding kagulo­han o factional fighting sa capital city ng Tripoli dahil sa civil war, na nagsimula noong 4 Abril 2019. Napag-alaman na dalawang Pinoy din ang nasugatan nang tamaan ng sharpnel nang suma­bog ang mortar at nag­pa­salamat na hindi sila napuruhan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *