Saturday , November 16 2024

Manicad nanghimok ng bagong pangalan at mukha sa politika sa mga botante

HINIHIKAYAT ng broadcast journalist at senatorial candidate Jiggy Manicad kahapon ang mga botante na pumili ng mga bagong pangalan at mukha sa darating na halalan matapos ang pinag-usapang awayan ng magkapatid na Binay sa Makati.

“This should serve as a wake-up call to the electorate, especially the youth, to consider new names and new faces among those seeking public office,” aniya.

Sa isang pag-aaral ng Ateneo de Manila School of Government na ginawa mula 2007 hanggang 2016 ukol sa political dynasties, nakita sa datos na ang bilang ng mga posisyong hawak ng mga miyembro ng political clans ay tumaas mula 75% hanggang 78% sa mga kongresista; 70% hanggang 81% sa mga gobernador; at 58% hanggang 70% sa mga alkalde.

Nakita rin sa pag-aaral na ang mga pinaka­ma­la­king political dynasty ay matatagpuan sa pinakamahirap na lugar sa bansa.

“Alam naman natin na mas malakas ang sina­sabing name recall ng mga kilalang apelyido ngunit dapat tumingin ang mga botante hindi lamang sa kasikatan ng kandidato kundi sa abilidad at plataporma nito,” sabi niya.

Sinabi ni Manicad na sa isang demokrasya tulad ng Filipinas, ang mga bagong ideya ay maaa­ring lumikha ng mga panibagong solusyon sa mga problemang matagal nang kinakaharap ng mga Filipino.

“When you are able to bring new faces with new ideas, and mix that with the experience and wisdom of more veteran politicians, this is going to be good for the people they vow to serve,” ani Manicad.

Sa Senado, aniya, kailangan maintindihan ng taong bayan na dapat nilang iboto ang mga kandidatong tunay na kumakatawan sa kanila.

“Ang Senado ay hindi dapat magsilbing listahan ng mga kilalang political dynasty sa bansa. Ito ay dapat na listahan ng iba’t ibang represen­tante mula sa iba’t ibang sektor at grupo sa bansa,” sabi ni Manicad.

Dagdag niya, “Let’s break the status quo and change the face of politics in the country.” (JG)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *