Sunday , April 27 2025

Sa Araw ng Paggawa: Security of tenure, karapatang mag-unyon iniutos ipasa ng Kongreso

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga karapatan ng mga manggagawa lalo na ang “security of tenure and self-organization.”

“I remain optimistic that one year since I issued Executive Order No. 51, implementing existing constitutional and statutory provisions against illegal contracting, my counter­parts in Congress will consider passing much needed legislative mea­sures that will fully protect our workers’ rights, especially to security of tenure and self-organi­zation,” ayon sa Labor Day message ng Pangulo.

Nanawagan din ang Pangulo sa lahat na magtu­lungan upang mapabuti ang kalagayan ng mga obrero sa pamamagitan nang paglikha ng sitwa­syon na magiging kaya-aya sa kanilang personal at professional growth .

“Today, we celebrate the working class not as a tool of employers and capitalists, but as an essential catalysts for our nation’s overall progress,” aniya.

Ang lakas aniya ng bansa sa tuwina’y naka­depende sa pagsusumikap ng mga manggagawa, ngunit sa kabila nito’y nananatili pa rin sa abang sitwasyon ang kanilang mga pamilya lalo ang mga nangibang bansa.

Giit niya, lahat ng abot ng kanyang kapangyarihan ay kanya nang ginawa upang bigyang proteksiyon ang mga obrero at magsu­long ng patas na oportu­nidad sa lahat.

Samantala, binuwel­tahan ni Presidential Spokes­­man Salvador Panelo ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa akusasyon na anti-worker at anti-poor ang administra­syong Duterte.

Sabi ni Panelo, ang anti-government activities ng KMU ang nagtataboy sa mga dayuhang mamumu­hunan sa bansa kaya kapos ang trabaho.

“The KMU (Kilusang Mayo Uno) criticizes the government for being anti-poor and anti-worker while blaming the government for the lack of jobs and alleged worsening labor con­ditions. What seems to escape them is the truth that their anti-government activities could scare away foreign investors in the country resulting in job losses to the people they are fighting for and vow to protect,”  ani Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *