Saturday , November 16 2024
pnp police

8,432 pulis inilatag sa Metro para sa Labor Day

NASA 8,423 ang itinalagang bilang ng pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila bunsod ng ika-117 pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Inalerto kahapon ni NCRPO director, P/Maj. General Guillermo Elea­zar, ang kanilang puwersa ngayong ipinagdiriwang ang Labor Day na nais nilang tiyaking mapa­natili ang kaligtasan ng publiko.

Itinalaga nila ang nasa 8,423 pulis na estra­tehikog nakapo­sisyon sa buuong rehiyon, sa mga convergence places at vital instal­lations.

Asahang daragsa ang mga raliyista sa Metro Manila para ipanawagan ang kanilang hinaing sa pamahalaan ngayong Labor Day, gaya ng wakasan ang contrac­tualization at pagtaas ng suweldo.

Ang pulisy ay itina­laga para sa civil disturbance manage­ment, anti-criminality intervention, counter-terrorism, traffic ma­nage­ment at emer­gency response team, na mag­sasagawa ng monitoring sa bawat nagaganap sa naturang pagdiriwang.

“We are not the enemies of the rallyists. I assure that the NCRPO is always ready to secure the public from any eventuality as well as guarantee that your police force will deal with those who will conduct rallies with maximum tolerance and outmost respect for human rights. Consequently, I would like to remind the public  regarding the ‘no permit, no rally’ policy except for freedom parks. Protesters must follow existing laws and ordinances to ensure the successful conduct of this event,” paglilinaw ni Eleazar.

Umapela ang NCRPO Chief, sa publi­ko na maging alerto at maging mapagmatyag laban sa masasamang elemento na posibleng magsamantala sa natu­rang pagdiriwang.  (JG)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *