Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Store owner itinumba ng 2 armado

SA hindi malamang dahilan biglang pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki ang isang ginang na store owner habang sugatan ang kausap nitong dalawang  babae nang tamaan ng ligaw na bala, nitong gabi ng Miyerkoles sa Taguig City.

llang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang hindi batid na kalibre ng baril, ang tumama sa ginang na si Rowena Calderon, nasa hustong gulang, residente sa A. Reyes St., Bgy. New Lower Bicutan ng naturang lungsod.

Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital sina Lucile Bugarin, 38, may sugat sa kanang binti, at Rosemarie Ormita, 43, tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa.

Sa report na natanggap ni Taguig police chief P/Col. Alexander Santos, naganap ang insidente dakong 7:25 pm kamakalawa sa nabanggit na lugar.

Nag-uusap ang tatlong ginang sa tindahan na pag-aari ng biktima pero hindi nila namalayan ang  pagdating ng dalawang lalaki na armado ng baril.

Agad pinagbabaril ng dalawa si Calderon na ikinamatay nito habang tinamaan ng ligaw na bala ang kausap na sina Bugarin at Ormita.

Matapos barilin si Calderon dali-daling tumakas  ang dalawang sus­pek.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo nang pama­maril. (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …