Tuesday , December 24 2024

Brownout sa halalan, pinangangambahan ng MKP

MALAKI ang pagdududa ng Murang Kur­yente Partylist (MKP) sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawa­wala ang su­play ng kor­yente sa pana­hon ng senatorial at local elections sa 13 Mayo.

Sa isang pulong balitaan kamakailan, ipina­dama ng tatlong nominee ng MKP ang kanilang pagkadesmaya sa lumilitaw na kahinaan ng DOE na mapagtibay ang generation companies (GenCos) at distribution utilities (DUs) na tuparin ang kanilang mandato na makapagpamahagi nang abot-kaya at maaasahang enerhiya sa mga tagakonsumo.

Sabi nga ni Gerry Arances, MKP second nominee: “In the whole of 2017, there were only three yellow alerts for the grid. 2018 had seven yellow alerts for the whole year. Yet in 2019, an election year, there were 10 yellow alerts and even red alerts and April has not even ended yet.”

“DOE said there will be no power inter­ruptions during the summer months, yet some areas already experienced them just a few weeks after the promise was made. So what is different about the DOE now that I can trust their other promises?” dagdag ni Arances.

Sa nakalipas na linggo, kulang pa rin ang Luzon grid ng 1,367 megawatts (MW) habang dumaraan ang limang coal power plant sa forced outage, partikular ang SMC Consolidated Power Corporation Li­may Unit 2 (150 MW), Team Energy Cor­poration Sual Unit 1 (647 MW), Southwest Luzon Power Generation Corporation Unit 2 at Pagbilao Energy Cor­poration Unit 3 (420 MW).

Ayon kay MKP first no­minee Anton Paredes, nag­du­rusa na ang mga kostumer at maging ang ekonomiya.

“A one-hour blackout in Metro Manila already costs the economy roughly ± 2.7 billion. And this is just from the stoppage of economic activity that requires electricity and does not include second-order effects. Power companies have legal and contractual obligations to provide power at reasonable cost. They are not giving either of them. They don’t respect our laws, perhaps because government agencies are not enforcing these laws,” ani Paredes.

Ipinabatid naman ni MKP third nominee Glenn Ymata na sadyang nalulugi ang mga tagakon­sumo lalo na nga’t hindi sila nakabayad sa tamang petsa.

“The sad thing is, if consumers don’t pay Meralco on time, they lose their connection and are further penalized for not having money by paying reconnection charges,” diin ni Ymata.

“For power companies, not only can they get away from fulfilling their part of the contract with consumers, they seem to earn even more money when they do so,” ani Ymata.

Idinagdag ni Ymata, ang kanyang hinala hinggil sa nakais­kedyul na pag-shutdown at pagbugso ng pu­wer­sahang kaku­langan ng suplay ng koryente na dina­ranas nga­yong krisis ng bansa.

“I don’t know of any business that would schedule maintenance during peak season. Maintenance is done before or after peak season, but the logic of our power industry is to do maintenance during peak season because it gets them more profits. This twisted incentive happens because no one stops them or punishes them from exploiting the consumer. This must change,” dagdag ni Ymata.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *