INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na hayaang mabaon nang buhay ang mga rebeldeng komunista kasunod ng 6.5 magnitude lindol na yumanig sa Eastern Samar kamakalawa.
Sa situation briefing sa San Fernando, Pampanga kamakalawa, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na aabot sa sampu hanggang dalawampung miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa.
Hindi aniya pag-aaksayahan ng pamahalaan ang pagliligtas sa mga rebelde.
“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Gagastos lang ako sa mga putang ina. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you,” anang Pangulo. (ROSE NOVENARIO)