Sunday , December 22 2024

Multa sa Manila Water ibigay sa consumers — solons

HINIKAYAT ng militanteng grupo ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)  na ibigay sa consumers ng tubig ang P1.3-bilyong multa na ipinataw sa Manila Water kaugnay ng pagkawala ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa dating kongresista at chairman ng Bayan Muna na si Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang multa ay dapat mapunta sa mga naapektohan nang mawala ang tubig.

“The P 1.134 billion fine to Manila Water is divided into a P534.050 million fine and ad­ditional P600 million fund for development of new water supply source,” ani Colmenares.

“Ang mga consumer ng Manila Water ang nagdusa at napagastos nang mawalan ng tubig mula Marso. At sa katu­nayan hanggang ngayon ay nawawalan pa rin sila ng tubig. Sila ang dapat na direktang makinabang sa ipapataw na parusa sa Manila Water,” dagdag ni Colmenares na tuma­takbo sa Otso Diretso para senador.

Ani Colmenares at Zarate, lumabas ang katotohanan na wala naman talagang krisis sa tubig at umabuso lamang ang Manila Water.

Giit ni Zarate ang multa ay dapat i-convert sa rebates ayon sa naka­saad sa concession agree­ment.

“These rebates, though, should be on top of other damages that may also be awarded to the affected consumers,” ani Zarate.

“We would still file cases against Manila Water for not fulfilling their contract with their customers. We will also hold accountable all officials who are also remiss of their duties to protect the interests of our consumers,” dagdag ni Zarate.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *