Sunday , December 22 2024

Pampanga isinailalim sa state-of-calamity

MATAPOS irekomenda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na isailalim ang probinsiya ng Pam­panga sa state-of-calamity matapos tamaan ng malakas na lindol noong Lunes nang hapon, agad nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyon para rito.

Si Arroyo, ang kinata­wan ng pangalawang distrito ng Pampanga na nakasasakop sa Porac, isa sa mga grabeng napinsala ng lindol, ay nagpahayag nang pagkalungkot sa insidente habang nagpa­salamat sa mga tumulong sa bayan ng Porac.

Sa nasabaing bayan marami ang bilang ng mga namatay at nasaktan dahil sa pagguho ng isang supermarket.

“Priority is to com­plete the rescue that is happening, and then we have to take care of those who have been rescued. We have to attend to their medical needs. Those who died, we have to attend to their funeral require­ments. Those whose houses were destroyed and went to flee the earthquake, they have to be fed. So, we are in the rescue and relief stage right now,” ani Arroyo.

Itinatwa ni Arroyo ang kagustuhan ng iba na ipatawag ang municipal engineer ng Porac at panagutin ang mga may kinalaman sa umano’y pagtatayo ng mahinang pundasyon ng mga gusaling gumuho.

Ani Arroyo, hindi pa napapanahon ang pag-iimbestiga.

“We are now in the relief and rescue stage, so ‘yung mga ganoong blame tossing, siguro saka na,” anang dating pre­sidente na nagmula sa Lubao, Pampanga, karatig-bayan ng Porac.

Nagpasalamat si Arroyo sa mga tumulong sa rescue operations.

“I’m just really very sad about this and I’m grateful that everybody is doing everything to save lives and helping the injured, and as much as possible, to the extent we can, restore normalcy as soon as possible. But I asked the… it’s a very sad situation and I ask for the prayers of the Filipino people,” aniya.

ni Gerry Baldo

16 DEATH TOLL
KINOMPIRMA

KINOMPIRMA ni Health Secretary Francisco Duque na 16 katao ang nasawi at 112 ang nasu­gatan sa Pampanga at Zambales sa magnitude 6.1 lindol kamakalawa ng hapon.

Sa ambush interview kay Duque bago ang situation briefing kaha­pon sa kapitolyo ng Pam­panga, sinabi niya na 15 ka­­tao ang nasawi sa Pam­panga at isa sa Zam­bales, 14 ang nawawala sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga at isa sa Zam­bales.

Isinailalim ng Sang­guniang Panlalawigan ng Pampanga sa state of calamity ang buong lalawigan.

Sinuspende ng Pala­syo ang trabaho sa gob­yerno sa Metro Manila para sa inspeksyon sa mga estrukturang napin­sala ng lindol.

Kinansela rin ang campaign rally ng PDP-Laban sa Bataan dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na napinsala ng lindol sa Pampanga.

 (ROSE NOVENARIO)

MAHINANG PUNDASYON
NG CHUZON SUPERMARKET
SINISI NG PANGULO

HINDI sapat ang punda­syon ng Chuzon Super­market dahil dalawang  palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag.

Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secre­tary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon.

Inatasan ni Pangu­long Duterte ang pulisya at DPWH na imbesti­gahan ang mga respon­sable sa depektibong gusali.

Ipinasara ni Pangu­long Duterte ang apat pang sangay ng Chuzon Supermarket para sa gagawing structural inspection ng mga awtoridad.

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na sagot ng DOH ang gastos sa lahat ng mga nasugatan habang pinansiyal na ayuda at food packs ang ipinagka­loob ng DSWD at pama­halaang panlalawigan ng Pampanga.

Iniulat ng Department of Education na may 180 paaralan ang napinsala ng lindol kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *