Sunday , December 22 2024

Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo

HINDI sapat ang punda­syon ng Chuzon Super­market dahil dalawang  palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag.

Ito ang sanhi nang pagguho ng naturang establisimyento, batay sa inisyal na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secre­tary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon.

Inatasan ni Pangu­long Duterte ang pulisya at DPWH na imbesti­gahan ang mga respon­sable sa depektibong gusali.

Ipinasara ni Pangu­long Duterte ang apat pang sangay ng Chuzon Supermarket para sa gagawing structural inspection ng mga awtoridad.

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na sagot ng DOH ang gastos sa lahat ng mga nasugatan habang pinansiyal na ayuda at food packs ang ipinagka­loob ng DSWD at pama­halaang panlalawigan ng Pampanga.

Iniulat ng Department of Education na may 180 paaralan ang napinsala ng lindol kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *