Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Metro Manila NCR

Inspeksiyon sa gov’t buildings, infras iniutos ng MMDRRMC

INATASAN kahapon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na magsa­ga­wa ng inspection sa mga gusali at infrastruc­tures na pag-aari ng gob­yer­no dahil sa nangyaring pagyanig ng magnitude 6.1 tectonic earthquake na tumama sa Luzon kabi­lang ang Metro Manila nitong Lunes nang hapon.

Sa  isang memo­ran­dum na ipinalabas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head ng  MMDRRMC, ina­ta­san niya ang mga miyem­bro ng naturang tanggapan  at local disas­ter risk reduction and management councils, na magsagawa ng inspection sa lahat ng government structures sa buong  Metro Manila.

“You are hereby direc­ted to conduct inspec­tion of all govern­ment buil­dings and infras­tructures in your respective areas of res­ponsibility,” nakasaad sa memorandum ni Lim.

Kaagad din ipinasu­sumite ni Lim ang inspec­tion reports  sa  MMDRRMC Secretariat.

Inatasan ng MMDA Chief, na magsagawa ng post-earthquake building inspection sa  MMDA headquarters building sa Makati City para ma-check  kung mayroon itong damage matapos ang lindol.

Nagtalaga rin si Lim ng 10 personnel mula sa  Public Safety Division para tumulong sa  search at  rescue operations sa Porac, Pampanga,  isa sa mga lugar na  labis na naapektohan ng lindol.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …