BINATIKOS ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Malacañang at ang hepe ng Philippine National Police kaugnay sa ‘di makatotohanang pagtatatangkang guluhin ang gobyernong Duterte.
Ani Villarin, ang rebelasyon ng Malacañang patungkol sa “destabilization plot matrix” at ang depensa ni PDG Oscar Albayalde sa istoryang ito ay nakadududa.
“The matrix has no probative value and should have been dismissed outright as outlandish and the work of malicious minds. The quick defense of the PNP also shows Albayalde’s unabashed loyalty to President Duterte and not to democracy. How can accusations and criticisms of government tantamount to destabilization?” ani Villarin.
“The entities and individuals named in the matrix are established and highly respected media organizations and human rights lawyers. By publicly naming them as so-called destabilizers, they become open targets for malicious attacks and possible violence,” babala ni Villarin.
Ang “destabilization plot story” ay lumabas pagkatapos kumalat ang video ng umano’y “real narco-list” na kinasasangkutan ng pamilya Duterte na isiniwalat ng isang nagngangalang Bikoy.
“If Malacañang gets peeved by such video, how much more will it react to other stories that are critical of the administration?” tanong ni Villarin.
Aniya, ang press freedom sa bansa ay nanganganib sa ilalim ng administrasyong Duterte.
ni Gerry Baldo