HINDI nangangahulugang taliwas sa Saligang Batas ang ilang panukalang alokasyon sa budget na ini-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang ipinaglaban ng Kamara na panukalang budget ay lulusot sa masugid na pagsusulit sa pagiging “constitutional” nito.
“The President knows what is best for the country and our people,” ani Andaya.
Ani Andaya, naipasa ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga priority measures ng presidente kasama ang panukalang pambansang budget.
Ang ini-veto ng pangulo, na may kabuuang halagang P95.3 bilyon, ay galing sa mga budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Labor and Employment – National Labor Relations Commission (DOLE-NLRC), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DoH) at Department of Trade and Industry (DTI).
“It’s done and we trust the President’s judgment,” ani Arroyo.
Sinabi ni Arroyo, ginagawa niya rin ang veto sa ilang mga budget noong siya ay presidente.
“Even me, I used to line veto. Every year I partially vetoed the budget,” dagdag ni Arroyo. (GERRY BALDO)