MAGING instrumento ng kapayapaan at piliin ang mabuti at makapagpapaunlad sa pananampalatayang Kristiyano at ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa kanyang Easter Sunday message kahapon. Hinimok niya ang lahat na gawing inspirasyon ang sakripisyo ng Tagapagligtas sa krus at pagsagip sa kasalanan ng sanlibutan.
“May this time of new beginnings inspire us to always choose what is good and uplifting. Let us strive to be instruments of peace in our families and communities and foster greater harmony and understanding wherever and whenever it is most needed,” anang Pangulo.
Kompiyansa ang Pangulo na ang panahon ng Pagkabuhay ay isang banal na pagkakataon para sa lahat upang pag-alabin ang komitment sa pag-angat sa bansa lalo sa nalalapit na May 2019 midterm elections. “May it become an exercise of integrity and reflect the true will of the people.It is my hope that the evil caused by the societal ills we are confronting today will be swept away by our strong faith in the Almighty,” sabi ng Pangulo.
(R. NOVENARIO)