Monday , December 23 2024

Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon

DAPAT kaalyado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehis­latura ay maipasa.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco importante ang pamumuno pero dapat naman, aniyang, walang ambisyong pampo­litika ang susunod na speaker.

“Leadership is impor­tant, but it’s equally impor­tant that the next speaker is free from political ambition to ensure that all the priority legislation of the President is successful,” ani Velasco.

Nagpahayag ng pagka­lungkot si Velasco, dahil may mga panukalang kailangan ng ehekutibo na nakabinbin dahil sa bangayan ng mga miyembro ng Kamara at mga kasamahan nito sa Senado.

“We’ve had enough bickering in Congress,” ani Velasco.  “What Malaca­ñang needs is a true ally in the House of Repre­sentatives that will help carry its agenda until the end.”

Sa paglakataong ito, aniya, tungkulin ng bawat kaalyado ng pangulo na tiyaking manalo ang mga kandidato sa halalan sa Mayo. “Any discussion on the speakership is premature,” ayon kay Velasco.  “Dapat manalo muna ang lahat o karamihan ng alyado ng Pangulo para masiguro na solid ang suporta sa mga programa ng gobyerno,” dagdag niya.

   (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *