MAUUDLOT ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act.
“Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di ba. Lahat ng schedule niya subject to change without prior notice,” dagdag ni Panelo.
Ilang buwan nang naantala ang pag-aproba sa 2019 national budget dahil sa iringan ng Senado at Mababang Kapulungan.
(ROSE NOVENARIO)