IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matatapang na Filipino at Amerikanong sundalo na nagtulungan upang ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya ng bansa habang nagbabantay sa masusukal na kagubatan ng Bataan.
Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibilyan na tumulong sa ating mga kawal upang matalo natin ang mga kalaban.
Hindi man aniya matandaan kung sino-sino ang mga nanguna sa labang ito, habambuhay aniyang maaalala at kikilalanin ng ating mga kapwa Pinoy ang kanilang tibay ng loob.
Umaasa ang Pangulo na lahat ng Filipino ay maging inspirado at manatiling matatag tulad ng ating mga ninuno at kanilang mga kaalyado sa pagtaguyod sa ating soberanya at sa pagbibigay proteksyon sa ating mga karapatan at kalayaan na hanggang ngayon ay patuloy natin tinatamasa.
(ROSE NOVENARIO)