Saturday , November 16 2024

Isyung Scarborough shoal huwag gamitin sa kampanya — Manicad

NAGBABALA ang broadcast journalist na si Jiggy Manicad tungkol sa pagpapabida ng mga kandidato sa halalan kaugnay sa isyu ng teritoryo sa Scarborough shoal.

Aniya, isa itong sensitibong isyu na hindi puwedeng basta gamitin sa politika.

“We must avoid turning these sensitive issues towards our advantage as political candidates. Hindi ito simpleng sortie o project na puwede po nating gamitin for publicity. The dispute is an extremely sensitive issue that should not be taken lightly,” ani Manicad.

Ito ang naging pahayag ng mamamahayag, isang araw matapos magtangka ang mga kandidato ng “Otso Diretso” na mamangka mula sa Masinloc, Zambales patungo sa Scar­borough shoal upang itanim ang bandila ng Filipinas.

Inilinaw ni Manicad, narara­pat na pag-usapan ng mga kandidato ang kanilang opinyon ukol sa sinasabing pananakop ng Tsina sa ilang bahagi ng teritoryo ng Filipinas.  Sa kabila nito, aniya, kaila­ngan pa rin iwasan ng mga kandid­ato ang anumang aksyon na maaaring magdulot ng gulo lalo na’t kahina-hinala ang timing ng pagkilos.

“By all means, we should talk and debate about the issue because we are Filipinos and this concerns all of us. In fact, tama po ‘yung ginawa ng ating mga colleague sa media na sinubukan nilang kunin ang pahayag ng mga mangingisda roon,” ani Manicad.

Tinutukoy ni Manicad ang tangka ng isang Filipino TV crew na mag-interbyu ng mga mangi­ngisda sa Scarborough shoal para sa isang documentary noong 2018.

Pinagbawalan ang nasabing crew ng Chinese Coast Guard.

Dagdag ni Manicad, “Tama rin po na nag-a-assert ng presence ang ating pamahalaan doon kasi pag-aari natin ang lugar na iyon. But if you are a candidate, and if it is the election period, then the motive and timing is suspicious.”

“Even we in the media have ethics and guidelines when it comes to conflict and territorial disputes. We will never risk any move, for example, that will provoke action from either side of the dispute,” inilinaw ng batikang journalist. (JG)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *