Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Caretaker itinumba sa inuman

PINAGBABARIL at na­pa­tay ang isang care­taker  ng nag-iisang gun­man habang nakikipag-inuman ang una  sa kaniyang mga kaibigan sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Roldan Dapat ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rodel Hacienda Fallorina, 44,  at residente sa 25 Int. Lot-9 Acme Road, Brgy. San Bartolome, QC.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerome Dollente ng CIDU-QCPD,  naganap dakong 10:45 pm ang insidente sa loob ng compound sa No. 148 Maligaya St., Brgy. Bagbag Novaliches.

Nakikipag-inuman ang biktima kina Manny Boy Quitang, Gilbert Barredo, at kaanak na si Joven Fallorina sa nasa­bing compound nang  pumasok ang gunman sa gate na nakasuot ng jacket na may hood at may dalang payong.

Kaswal na lumapit ang suspek sa biktima at sunod-sunod na pinaputukan ng baril habang nagsitakbohan ang kaniyang mga kainuman sa takot na barilin din sila.

Nang  bumulagta ang caretaker, kaswal na tumakas ang suspek dala ang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Agad isinugod sa Pacific Global Medical Center ang biktima ngunit binawian ng buhay dakong 12:02 am (April 7) anang attending phy­sician na si Dr. Juaregui Angeles, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …