IPINABUBUSISI ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang mga utang ng bansa sa China.
Ayon kay Alejano dapat magkaroon ng oversight committee on debt management na titingin sa mga nakabibigat na utang na pinasok ng gobyernong Duterte sa China.
“While we recognize the power given to the President when it comes to incurring loans meant to spur growth and promote equity in the provision of public services and benefits, we should ensure transparency and accountability on all government borrowings. Hence, I proposed the creation of a Congressional Oversight Committee on Debt Management to institutionalize an effective check and balance on the executive power to contract and guarantee loans,” ani Alejano.
Nagpahayag ng pagkabahala ang kongresista na maaaring mabaon sa utang ang Filipinas at kunin ang mga likas na yaman ng bansa bilang kabayaran.
Naghain si Alejano ng panukalang magbuo ng House Congressional Oversight Committee on Debt Management na tutugon sa mga utang ng bansa.
Aniya, dapat tingnan nang mabuti ang mga inutang ng gobyernong Duterte sa China.
“Sa harap ng mga naglalabasang isyu tungkol sa mga naging utang natin sa China na lubhang dehado ang ating bansa, mahalagang magkaroon tayo ng sistema na mag-aaral at magsusuri sa mga utang na pinapasok ng ating gobyerno para maseguro na hindi tayo talo. We also need to ensure that our government’s limited resources shall be used appropriately, and that priority should be given to education, health care, and other public services meant to promote the welfare of Filipinos,” ayon kay Alejano.
ni Gerry Baldo