Saturday , November 16 2024

‘Masaker’ sa 14 magsasaka imbestigahan — ACT Teachers

KINONDENA nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang pinaniniwalaan nilang masaker ng militar at pulisya sa 14 magsasaka sa Canlaon City, Negros Oriental nitong Sabado, 30 Marso.

Bukod sa mga napas­lang, sinabing 12 iba pa ang inaresto at isa ang nawawala matapos ang operasyon ng pulis at militar laban sa mga namumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP.) “Instead of heeding the call to stop the killing and targeting of farmers, the police and military under the Duterte adminis­tration once again added more to their long queue of victims,” protesta ni Tinio.

“These bloodthirsty perpetrators should not dare call their rampage in Canlaon City, Manjuyod and Sta. Catalina, Negros Oriental as legitimate anti-crime operations. Their standard excuses have already been exposed as unadulterated lies, as what happened in their previous operations in Guihulngan last Decem-ber 27 and Sagay last October 20, that were passed off as Tokhang operations, with the unarmed fatalities tagged as resisting arrest and fighting back or ‘nan­laban’ against the fully-armed troopers and police,” dagdag niya.

Ani Castro, walang ibang puwedeng sisihin sa nangyari kundi si Pangu­long Duterte. Aniya ang nangyari sa Negros ay nag-umpisa sa counter-insurgency Memorandum Circular 32 (MC 32) ng Malacañang, ani Castro.

“It follows the rule­book of targeting civilians and innocents under the so-called Oplan Kapa­yapaan (OPK) as well as ‘tokhang’ and other bloody operations which the Duterte adminis­tration is waging against the people,” ayon kay Castro. (Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *