Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inaway ng GF, nagbigti

NAGBIGTI ang isang binata makara­ang dibdi­bin ang pagtatalo nila ng kanyang girlfriend sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Insp. Roldan Dapat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Darwin Rama Cortez, 21,  resi­dente sa Sitio Uno Kaliwa, Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa imbestigasyon ni PO1 Morshid D. Tanog, ang biktima ay natag­puang nakabigti ng kani­yang grlfriend na kila­nilang si Maria Angelica Arimado, sa ikalawang palapag ng bahay ng boyfreind dakong 3: 45 am.

Una rito, bandang 3:30 am ay nagising si Mark Rama, kapatid ng biktima, dahil sa pagta­talo nina Darwin at ng nobya nitong si Maria sa unang palapag ng kani­lang tahanan.

Minabuting puma­gitna at awatin ni Mark ang nagtatalong magka­sintahan dahil madaling araw na  at nakaaabala na sila sa pagtulog ng mga kapitbahay.

Nagpaawat si Mark at umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang ba­hay kaya naiwan ang kapatid na si Mark at ang kasintahan ng biktima.

Ngunit makalipas ang 15 minuto, nakarinig na lamang  sina Mark at Maria na may kumalabog mula sa ikalawang pala­pag ng bahay kaya inutusan ni Mark ang babae na  umakyat sa silid ni Darwin.

Pag-akyat sa ikala­wang palapag, bumu­ngad sa babae ang nakabigting katawan ng boyfreind.

Agad humingi ng saklolo si Maria sa kapa­tid ng nobyo at magka­tuwang nilang ibinaba ang nakabigting katawan ng biktima saka isinugod sa East Avenue Medical Center ngunit binawian din ng buhay dakong 4:23 am si Darwin. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …