Saturday , November 16 2024

Starstruck survivor arestado sa hit & run

ARESTADO ang Filipino-Australian singer actor sa isang tele­vision net­work mata­pos mabundol ang dala­wang empleyado ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) sa Makati City kama­kalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence re­sul­ting in physical injuries and damage to pro­perty si Starstruck Ulti­mate Survivor Douglas Errol Dreyfus Adecer, mas kilala sa kanyang screen name na Migo Adecer, 19 anyos.

Nagpapagamot sa Ospital ng Makati ang mga  biktimang sina Rogelio Castillano at Michellene Papin, kapwa nasa hustong gulang.

Base sa report na nakarating kay Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, naganap ang insidente dakong 6:00 pm kamakalawa sa panulukan ng JP Rizal Avenue at Pertierra St., Bgy. Poblacion.

Sakay ng sports car si Adecer, nang harangin ng mga traffic enforcer dahil sa traffic violation at amoy alak.

Itinapon lang umano ni Adecer ang violation ticket na inisyu dahil sa reckless driving, hindi ibinigay ang kanyang lisensiya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nang sumapit sa naturang lugar, nahagip biya ang mga biktimang sina Papin at Castillano habang sakay naman sila ng motorsiklo.

Hindi  pa rin umano huminto ng aktor at nagpatuloy sa pagharurot ang kanyang sasakyan.

Nasakote ang aktor nang respondehan ng mga traffic enforcer at nagtangka pang tumakas kaya nahagip rin   ang isa pang police mobile.

Depensa ng abogado ng aktor na si Atty. Marie Glen Gardoque, hindi aniya alam ng kanyang kliyente na nahagip niya ang dalawang MMDA personnel habang nag­mamaneho.

 (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *