Saturday , November 16 2024

Kung sangkot sa ilegal na droga… Yang ‘papatayin’ ni Digong — Panelo

‘PAPATAYIN’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Michael Yang kapag napatunayang sangkot sa illegal drugs.

Ito ang tiniyak kaha­pon ni Presidential Spokes­­man Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na kilala naman nang lahat si Pangulong Duterte pagdating sa usapin ng ilegal na droga.

Giit ni Panelo, simula pa man, galit na si Pangu­long Duterte sa ilegal na droga kaya hindi papa­yag na magkaroon siya o ang palasyo ng pakiki­pag-ugnayan  sa mga taong sangkot sa opera­syon ng ilegal na droga.

Kapag nagkaroon ng matibay na ebidensiya na mag-uugnay kay Yang sa ilegal na droga, dapat siyang samapahan ng kaso.

Naniniwala si Panelo na binubuweltahan ni dating police Supt. Eduar­­do Acierto si  Duter­te nang isama siya sa drug matrix na isini­walat noong nakaraang taon kaugnay sa P1.8 bilyong shabu na ipinuslit sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng mag­netic lifters.

ni ROSE NOVENARIO

KONTRATA NI YANG
BILANG ECONOMIC
ADVISER TAPOS NA
— MEDIALDEA

HINDI na economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na Chinese businessman na si Michael Yang.

Inihayag kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtapos ang kontrata ni Yang bilang economic adviser noong 31 Di­syem­bre 2018.

“Michael Yang’s One Peso per annum contract expired on December 31, 2018,” ani Medialdea sa text message sa mga reporter.

Si Yang ay iniuugnay sa illegal drugs ni dating police Supt. Eduardo Acierto.

Si Acierto ay isa sa mga iniugnay ni Pangu­long Duterte sa ipinuslit na P1.8 bilyong shabu sa magnetic lifters sa Bureau of Customs noong Oktubre 2018.

(ROSE NOVENARIO)

PARATANG
NI ACIERTO DAPAT
IMBESTIGAHAN

NANAWAGAN kaha­pon si Magdalo Rep. Gary Alejano na paimbestiga­han ang mga alegasyon ni Eduardo Acierto laban sa Pangulong Rodrigo Du­ter­te.

Seryoso aniya ang alegasyon at dapat la­mang na maimbestiga­han.

Si Acierto ay isang mataas na opisyal ng PNP Drug Enforcement Group.

“I call on relevant local authorities and inter­national institutions to look into this matter. This issue should not be dismissed by just at­tacking the credibility of the messenger,” ani Alejano.

Ayon kay Alejano, isang dating opisyal ng Marines, nakababahala ang intelligence report na nagdetalye ng pagkaka­sangkot ni Michael Yang at Allan Lim sa ilegal na kalakalan ng droga at walang ginawa ang Philip­pine National Police, ang Philippine Drug Enforce­ment Agency at ang Malacañang sa kabila ng matinding laban ng pa­ngulo sa ilegal na droga.

Ayon sa intelligence report, ang  drug labora­tory ni Michael Yang sa Davao City, at Allan Lim sa Cavite City ay sina­lakay noong 2004 at 2003.

Patunay na sangkot sila sa ilegal na kalakalan sa droga, ani Alejano.

“Nakapagtataka na ang Pangulo na sinasa­bing galit na galit sa droga ay nakikitang may kaibi­gang mga drug lords na inilagay sa gobyerno. Michael Yang, a Chinese national, was even appointed as economic adviser of the President. This is a glaring irony,” ani Alejano.

Ani Alejano, galit na galit ang presidente sa mga ilegal na shipment ng shabu pero kahit kailan hindi siya nag-utos na hanapin ang mga taong nasa likod nito.

“I never heard the President ordering a manhunt on the per­petrators of the drug shipments. The drug personalities were even cleared from charges. The PDEA was accused of speculating when it said that the magnetic filters contain illegal drugs. The Customs heads that should be held ac­countable were merely removed from their office and soon transferred to another position,” pali­wa­nag ni Alejano.

“Sa kabila ng pagm­umura at pananakot, patuloy ang pagbaha ng droga sa bansa dahil kinokonsinti at inab­suwelto ang drug lords. Masakit malama na binabalewala lamang ang pagpasok ng droga ha­bang marami nang nama­matay na mihihirap na Filipino, mga pamilyang nawasak, at mga insti­tusyong nasira,” ayon kay Alejano.

(GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *