MASASAPAWAN ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang ama sa pagpili kung sino ang magiging speaker ng Kamara sa susunod ng Kongreso.
Ayon kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza malaki ang impact ng endorsement ni Sara kompara kay Digong.
Si Sara ang nagmaniobra ng pagkakatanggal kay dating Speaker Pantaleon Alvarez matapos makasagutan ang mayor.
“Malaki ang impact ng endorsement ni Sara. No doubt, whoever gets the endorsement will have a big edge,” ani Atienza.
Dalawang mambabatas na ang inendoso ni Sara sa rally ng Hugpong ng Pagbabago. Isa rito ay si Lord Alan Jay Velasco ng Marinduque at ang isa, ang nagtatangkang makabalik na kongresista na si Martin Romualdez.
Taliwas sa posisyon ni Atienza si Caloocan Rep. Edgar Erice.
Ayon kay Erice ang masusunod sa speakership ay si Pangulong Duterte.
“I think the speakership will really be decided by the President after the election,” ani Erice na miyembro ng oposisyong grupo ng Magnificent 7.
Ayon sa mga kongresista kasama na sina Minority Leader Danilo Suarez ng Quezon, si Rodolfo Albano ng Isabela at dating House Speaker Feliciano Belmonte ng Quezon City, malaking bagay ang tract record, kakayahan at katapatan sa pagpili ng bagong House Speaker.
Kasama, umano, sa mga tatakbo sa pagka-speaker ang sinibak na si Rep. Pantaleon Alvarez, dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dating bise presidente Jejomar Binay, Rep. Ronaldo Zamora ng San Juan, Cavite Rep. Alex Advincula, Cavite Rep.
Bambol Tolentino, Malabon Rep. Ricky Sandoval, at Leyte Rep. Lucy Torres Gomez.
ni Gerry Baldo