Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
checkpoint PNP police War on Drugs Shabu

Parak timbog sa ilegal na droga

HULI ang isang aktibong pulis makaraang maku­haan ng  tatlong pakete ng shabu sa isang checkpoint sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Nasa kustodya ng Las Piñas City Police ang suspek na si PO2 Ale­jandro Hernandez, dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayon ay nasa Regional Personnel Holding Accounting Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ayon kay Las Piñas City Police chief, S/Supt. Simnard Gran, naganap ang insidente sa Bgy. Almanza Uno ng natu­rang lungsod dakong 5:30 am.

Nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa naturang barangay nang mama­taan nila ang suspek na nagmamaneho ng motor­siklo na walang suot na helmet maging ang lala­king angkas nito.

Pinahinto sila ng mga pulis at nang kanilang rebisahin, nakita sa pulis ang tatlong pakete ng hini­hinalang shabu at tactical knife at maging ang backrider nito na hindi na nabanggit sa report ang pangalan ay nakuhaan din ng shabu.

Sinasabing dating nasangkot sa droga kaya iniwan siya ng kanyang asawa na isang pulis rin.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …