Saturday , November 16 2024
DBM budget money

2018 budget irerekomendang gayahin sa 2019

INIREKOMENDA ng hepe ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Du­terte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dala­wang sangay ng kongreso.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na.

Ani Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep. Edcel Lagman ay may limang araw para kausapin ang mga sena­dor na tapusin na ang budget.

“We are given five days and the Senate counterparts to resolve the impasse. Kung mag-fail, magpakatotoo na tayo, ako na mismo ang magrerekomenda na reenacted [budget] na tayo the whole year para umusad na ang mga proyekto,” ani Andaya.

Dagdag ni Andaya, dapat samantalahin ng gobyermo ang magan­dang panahon para mai­patupad ang nga pro­yektong impraestruktura.

“This is the most opportune time para sa mga proyekto dahil tag-init,” ani Andaya.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *